Beer
Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer
Ayaw pang mamatay
Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko
Kaya ngayon
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?
Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano, hihithitin
Kahit tambutso
Kukuha 'ko ng beer, at ipapakulo sa kaldero't
Lalanghapin ang usok nito
Lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?
Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko
Kaya ngayon
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to, ang beer na 'to
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?