Antukin Lyrics

 

Antukin Lyrics





Iniwan ka na ng eroplano

Okay lang baby 'wag kang magbago

Dito ka lang humimbing sa aking piling

Antukin


Kukupkupin na lang kita

Sorry wala ka nang magagawa

Mahalin mo na lang ako

Ng sobra sobra

Para patas naman tayo diba


Sasalubungin natin ang kinabukasan

Ng walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan


Pinaiyak ka ng manghuhula

Hindi na raw tayo magkasamang tatanda

Buti na lang merong langit na nagtatanggol sa

Pag-ibig na pursigido't matiyaga


Sasalubungin natin ang kinabukasan

Ng walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan


Long as we stand as one

Anuman ang ating makabangga

Nothing will ever break us

Wala talaga

As in wala


Sasalubungin natin ang kinabukasan

Ng walang takot at walang pangamba

Tadhana'y merong trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan, kung gusto hahalikan na lang natin ang kinabukasan

Ng buong loob at yayakapin pa

Tadhana'y medyo over rated kung minsan

Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan


Gumawa na lang tayo ng paraan

Gumawa na lang tayo ng

Baby, gumawa na lang tayo ng paraan




Previous Post Next Post